Ang buhay ko ay simple lamang ngunit may halong drama,comedy,at iba't iba pa na nagbigay sa akin ng magagandang alaala at karanasan sa maganda kong buhay.
Kaming magkaptid na cute:)) |
Nang ikasal sina papa't mama. |
Nang ako ay grumadweyt ng elementarya. |
Paghahatid sa akin ni papa sa stage nung Graduation. |
At nung grade 2 naman ay lumipat muli sila sa Maynila at dun nag-aral.Doon naman ay hinahatid siya ng kanyang tatay,nakapag-iisa na din minsan sa room niya.Nakikipaghalubilo sa kanyang mga kaklase,nagiging makulit pag wala silang klase.
Ngunit nung grade 3 ay agad silang lumipat muli dito sa Laguna.Naging masaya siya dahil sa pagiging top niya sa klase at nagiging honor sa bawat markahan,kahit sobrang kwela niya sa room nila.Nagkaroon din ng maraming kaibigan dahil sa napaka cute at pagiging pasaway na bata.Subalit,dumating ang napakalungkot na karanasan sa kanyang buhay,ang mawalan siya ng isang mapagmahal na ina.Hindi niya malubos maisip kung bakit nangyari iyon dahil sa musmos niyang edad ngunit naiintindihan niya na din ang lahat ng pangyayari.Tumulo ang mga luha ng mga kaanak lalung lalo na siya dahil sya ang pinaka close ng kanyang ina sapagkat siya ang nagtuturo sa mga aralin nito nung sila'y magkasama.Ang masakit lamang ay konting panahon niya lang ito nakasama dahil ang kanyang ina nga ay nasa Cavite kasama ang kanyang mga magulang.
Pagkatapos ng pangyayari.....ay bumalik agad sila sa Laguna.Muling ipinagpatuloy ang pag-aaral baon ang alaala ng kanyang yumaong ina.Inisip na ang lahat ng kanyang paghihirap sa pag-aaral ay para sa kanyang mahal na ina kasama ang kanyang pamilya.
Nakapagtapos ng elementarya at nagkaroon ng maraming kaibigan lalung lalo na si Katrina Mae Bunyi na tumulong sa paghubog ng aking mga ugali kasama ang mga samahang nabuo na hindi niya malilimutan sa unang yugto ng kanyang buhay.Nagkaroon ng mga awards at naging honor sa kanyang pagtatapos.Naging proud ang kanyang mga pamilya para sa kanya.
Ang aking bestfriend na si kat-kat na lagi kong kasama sa hirap at ginhawa ahahaha... |
Ngunit nung makilala niya ang "IV-Science"sa kanyang buhay ay malaking pagbabago ang nangyari sa kanyang buhay.Iba't ibang samahan ang kanyang sinamahan as in "the best"talaga,itinuring na rin niyang mga tunay na pamilya.Binago ang kanyang ibang pag-uugali na waring hindi nagustuhan,natutong magmahal.........ng kaibigan at nagkaroon ng magandang pananaw sa buhay.Nagkaroon sila ng madaming bondings na madalas nilang sinasambit ang salitang "sinusulit lang"dahil sa malapit na silang magtapos.Minsan ginagabi at napapagalitan dahil sa sobrang pagbabonding nila.......joke lang.....Mga excuses na napakarami para hindi magbonding kung hindi gawin ang aktibidad ng isang asignatura o sa school na minsan ay bonding na rin kung tatawagin.
Ang "oval"na kanilang pinupuntahan kapag walang ginagawa at nagkakantahan na lang ng mga paborito nilang kanta.Minsan ay "open forum"na din para maglabasan ng sama ng loob.Masaya sila pag kasama nila ang isa't isa.Ang swerte niya at nakakilala sya ng ganoong mga klaseng tao.Kaya sa nalalapit nilang pagtatapos ay nag iyakan sila.Baon ang kanilng alaalang nabuo sa loob ng apat na taon tulad ng tawanan,iyakan,damayan at pagkakaisa sa lahat ng bagay.(ang drama).
At dito na nagtatapos.........kaya masasabi kong ang IV-Science ang kumumpleto ng aking buhay kasama ang aking mga pamilya at kaibigan sa tunay kong pagkatao.Natututunan ko ang lahat ng bagay kapag kasama ko sila.Lalung lalo na ang pag ngiti sa lahat ng problema..........
LOVE YOU IV-SCIENCE!!!!!!!!!!!!!
Ang aking mahal na mahal na IV-SCIENCE |